WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Super Cat, Ro-Ro salpukan sa Cebu, 185 pasahero damay

Nagkasalpukan ang isang fast craft at Roll on, Roll off (RoRo) vessel habang naglalayag sa karagatan ng Mactan Channel sa Cebu, Linggo ng hapon.

Sa mga inisyal na ulat, nangyari ang insidente malapit sa First Mactan Mandaue Bridge ng Barangay Looc.

Nakunan pa ng video ang insidente ng isa sa mga pasahero na sakay ng SuperCat.

Sa ilang ulat ay lumalabas na nasa 185 ang nadamay na pasahero sa aksidente.

Habang isinusulat ito, patungo na ang fast craft sa Pier 1 ng Cebu City Port matapos masagip gamit ang isang tugboat.
Samantala, naka-standby naman ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) para magsagawa ng triage para sa mga pasahero.

Sinabi naman ni CCDRRMO chief, Harold Alcontin, inaasahan ang mga minor injuries sa mga pasahero ng fast craft dahil sa impact.

Wala pang opisyal na ulat ang Philippine Coast Guard (PCG). (Dolly Cabreza/Catherine Reyes/IS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on