WebClick Tracer

SPORTS

Caloy Yulo, mga karantso papasiklab sa Singapore

Caloy Yulo

Ipagpapatuloy ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo at mga kakampi na mabigyang karangalan ang ‘Pinas pagsabak sa Asian Artistic Gymnastics Championships sa Hunyo 10-18 sa Singapore.

Kakagaling lang ng pambato ng Gymnastics Association of the Philippines at teammates sa four-gold medal haul sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Phnom Penh, Cambodia nitong Mayo 5-13.

Asinta ni two-world champion Yulo, 24, na makakuha ng silya sa taon ding itong World Championships habang pilit ding tutulungan ang mga kasamahan sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) team. Ang mga ito ay nakagintong medalya rin sa SEA games na sina Ivan Cruz at Juancho Miguel Besana.

Popokus Ang atletang Manilenyo sa Individual All-Around kung saan sasabakan din ang lahat ng apparatus na vault, pommel horse, still rings, floor exercise, horizontal bar at parallel bars.

Asinta niyang makatuntong sa Top 8 sa All-around habang Top 5 naman para sa MAG team sa continental gymnasticsfest.

Nagwagi si Yulo ng pares ng mints sa individual all-around at parallel bars at ang parehong bilang ng pilak sa still rings at team event sa SEAG.

Pero aminado siya, maging angmga teammate, na mas mabigat ang labanan ang naghihintay sa kanila sa city state sa misyong mga makapasok sa Worlds sa Setyembre 29-Oktubre 8 sa Antwerp, Belgium.

Nakatatlong gold medal ang may taas na 4’1” at tubong Ermita, Manila na Pinoy gymnast sa nakaraang taong Asian tilt. Bumida siya sa floor exercise, vault at parallel bars.

May siyam na siyang medalyang ginto sa SEAG at dalawa naman sa World Championship at may apat sa FIG World Cup. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on