WebClick Tracer

METRO

Pekeng empleyado ng gobyerno, buking sa trafficking

Naharang ang isang 43-anyos na babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Huwebes sa isang insidente ng trafficking.

Ang biktima, na itinago ang pangalan kasunod ng mga batas laban sa trafficking, ay naharang habang pasakay ng Philippine Airlines patungong Singapore.

Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration (BI) sa unang inspeksyon, nagduda na ang mga immigration officers (IO) sa biktima at ni-refer sa pangalawang inspeksyon.

Sa masusing pagsisiyasat, nakumpirma na ang nasabing travel authority ay pineke.

Kalaunan ay inamin ng biktima na siya ay na-recruit sa pamamagitan ng isang kaibigan at nakipag-ugnayan sa kanyang recruiter sa pamamagitan ng text messaging at nagbayad siya ng P15K sa kanyang recruiter, na ipinadala sa pamamagitan ng electronic payment app. (Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on