Sa nakalipas na linggo, itinanghal ang annual convention ng Philippine Medical Association sa nostalgic na Manila Hotel.
Ito ang ika 116th convention na nagmula pa noong 1907. Ang organisasyon ay ang pinakamalaking samahan ng mga mangagagamot na nasa halos isang daang libo ang bilang. Ito ay nagmula pa noong 1903, panahon pa noong civilian governor general na si William Howard Taft. Apat na araw na punong puno ng kaalaman mula sa iba’t ibang mga eksperto at espesyalista na nagsalita tungkol sa iba’t ibang mga paksa. Kabilang sa mga napagusapan ay ang planetary health kung saan hindi lang kalusugan ng katawan kung hindi kasama at kaakibat ang kalusugan ng ating mundong kinagagalawan. Kaya ang tema nitong taong ito ay ”One PMA, One World, Bridging Global Health and the Environment.” Kabilang sa mga aktibidad ay ang General Assembly kung saan pinagtagpo ang national officers na pinamumunuan ng presidente na si Dr. Minerva Calimag, ang 17 na gobernador at sa mahigit na isang daang pangulo ng iba’t ibang component societies sa buong bansa, 119 ang buong bilang, upang pagusapan ang mga mahahalagang bagay tungkol sa organisasyon. Mayroon din na Fellowship Night at mga awarding ceremonies.
Ang pinakamataas na karangalang ibinibigay sa PMA awards ay ang most active component society o Icasiano Award. Itinaguyod nang dating pangulo ng PMA na si Dr. Mariano Icasiano. Ito’y ibinibigay sa component society na mayroong mga significant na scientific activities, maliban sa bilang nito. Kasama din ang pagkakabuo ng organisasyon, mga proyekto para sa community development, kaugnayan din sa local government unit o LGU, pati mga partisipasyon sa PMA special projects at pagsunod sa mga alituntunan at mga patakaran nito. Mayroong apat na kategorya, 1 hanggang 4, depende sa laki ng component society, at nangunguna ang category 1. Kasama dito ang outstanding leadership award, outstanding secretary at treasurer awards din. Ngayong taon ito, ipinarangal ang Icasiano Award Category 1 first place sa Quezon City Medical Society at sa inyong lingkod ang Outstanding Leadership award. Kabilang pa dito ang iba pang awards na natanggap, tulad ng first place sa Dr. Pujalte award for exemplary humanitarian service in times of calamities, award for the most active component society in child advocacy, PMA adopt a barangay, at third place sa award for community service.
Ang responsibilidad naming mga doktor ay hindi lamang sa kada isa na aming mga pasyente, kundi sa komunidad, kasama ang pamahalaan, sa ibang mga doktor, at sa mga organisasyon. Tingnan ninyo ang inyong paligid, maaaring may proyekto na nagaganap na pinangungunahan ng inyong mga doktor at kanilang component society.
Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Remain vigilant!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing huwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.