WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ebidensya vs Teves sa Degamo slay matibay – DOJ

Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na sapat na ang hawak nilang maraming ebidensiya para mahatulan ang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa siyam na iba pa kahit pa nagbago ng salaysay sa kanilang testimonya ang ilang suspek.

Tiniyak ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon sa publiko na marami at sapat ang ebidensiya para mahatulan ang mga suspek.

“Sa tingin naman namin walang epekto sa kaso. Kasi naniniwala kami ang ebidensyang hawak ng department ay matibay. Kahit pa may umatras at may magbago ng kanilang salaysay hindi ibig sabihin nito na totally masisira yung kaso,” paniguro ni Fadullon.

Sinabi ni Fadullon na sa ginawa ng ilang suspek ay nakuwestiyon lamang ang kanilang kredibilidad.

“Hindi kasi pwedeng pabago-bago yung sasabihin mo na sabihin mo sa unang kwento mo ganito-ganito nangyari, pagkatapos babawiin mo sa oras na magkaroon ng abogado,” paliwanag pa nito.

Matatandaang nagsampa ang NBI ng multiple murder at frustrated murder charges laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. at Marvin Miranda bilang mga masterminds sa nangyaring massacre noong March 4 sa gitna ng ulat na pagbawi ng ilang gunmen na naunang nagnguso sa dalawa. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on