WebClick Tracer

OPINION

NPC proud sa paghirang ni PBBM kina Gutierrez, Torres

Mahusay ang nangangasiwa sa pagpili ng mga opisyal ng gobyernong Marcos.

Hindi kagaya ng mga nagdaang administrasyon na nakatuon sa malalapit lang sa ‘kusina’ ang binibigyan ng posisyon kahit wala namang alam.

Ito ang ating naging obserbasyon sa patuloy na pagtatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ng mga makakatulong sa gobyerno.

Kabilang sa pinakahuling grupo ng itinalaga ni PBBM sa puwesto sa gobyerno ay ilang opisyal ng nangungunang samahan ng mga media sa Pilipinas, ang National Press Club (NPC).

Kabilang dito ang dating Pangulo ng NPC at kasalukuyang secretary ng samahan na si G. Paul Gutierrez ng People’s Journal.

Hinirang ni PBBM ang mediaman na si Guiterrez bilang Undersecretary ng Presidential Task Force on Media Security, kapalit ng isa ring media at dati ring Pangulo ng NPC na si Joel Egco.

Bukod kay Gutierrez ay itinalaga rin ng Pangulo ang batikan at award winning journalist at author na si Jose ‘Joe’ Torres Jr. bilang bagong director general ng Philippine Information Agency (PIA).

Si Torres ay nagtrabaho na sa iba’t ibang media outlets. Naging sub-editor sa Saudi Gazette, national newspaper ng Saudi Arabia; investigative reporter para sa Isyu newsmagazine at nagsulat na rin para sa The Manila Times, The Philippine Post at The Sunday Paper.

Naging parte rin ito ng ABS-CBN noong 2001.

Papalitan ni Torres ang nagbitiw na si Ramon Cualoping III.

Sa presensiya sa administrasyong Marcos ng ilang batikang mamamahayag na kasapi ng NPC tiyak na mas mapoproteksiyunan ang kapakanan ng media na siyang pangunahing misyon ng pinakamalawak at matagal nang grupo ng mga mamamahayag sa Pilipinas.

Bilang isa ring opisyal ng NPC, proud ang samahan sa pagkakapisil ng Pangulo sa mga opisyal nito bilang katuwang sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on