WebClick Tracer

NEWS

Super typhoon Betty hahataw sa Biyernes – Pagasa

Lalakas pa at papasok sa kategoryang super typhoon ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na Mawar, inaasahang papasok ito ng bansa sa Biyernes at tatawaging bagyong Betty, ang ikalawang bagyo ngayon taon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Pagasa weather specialist Grace Castaneda, ang bagyo ay huling namataan 2,300 kilometers malapit sa Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 155kph at bugso na 190kph, sa loob ng susunod na 24 oras ay magiging super typhoon ito.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang bagyo sa PAR.

Ang weather system na umiiral sa bansa ay ang southwesterly wind flow na nagdadala ng localized thunderstorms, apektado nito ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.

Ipinaliwanag ni Castañeda na sa mga susunod na araw ay hahatakin ng bagyong Mawar ang southwesterly wind flow kaya asahan ang pag-uulan pagdating ng Biyernes.

Sa forecast track ng bagyong Mawar ay maapektuhan nito ang extreme northern Luzon.

Sa Miyerkules ng umaga ay inaasahan tatama sa Guam ang Bagyong Mawar at magigiging super typhoon, Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga ito papasok ng PAR.

Sinabi ng Pagasa na sa oras na maging bagyo, ang Bagyong Betty ay lalapit sa Cagayan at Batanes at hindi inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa Northern Luzon. (Tina Mendoza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on