Pina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Japanese national na wanted sa kanilang bansa.
Ang apat ay sina Fujita Kairi, 24; Kumai Hitomi, 25; Terashima Haruma, 28; at Sato Shohei, 32, na isinakay ng Japan airlines biyaheng Narita matapos ideklarang undesirable aliens ng BI.
Sina Fujita at Kumai ay inaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng ahensya sa Parañaque City na may standing arrest warrants na inisyu ng Tokyo Summary Court noong September 2022 dahil sa kasong theft. Pinagdudahan din sila na kasabwat sa ‘Luffy’ case sa Japan.
Habang si Terashima ay nasabat ng BI’s Satellite office sa SM Aura sa Taguig noong February 28 kasunod ng tangkang pagpapalawig ng kanyang tourist visa. Si Terashima ay nagpanggap na isang police officer at empleyado sa Japan Ministry of Finance upang makapagnakaw ng TM cards.
Si Sato naman ay wanted sa Japan dahil sa pagnanakaw.
Ang apat ay isinama na sa BI’s blacklist na pinagbabawalan nang makabalik ng bansa. (Mina Navarro)