Kung gagayahin ng mga Pinoy moralista ang kaganapan sa ibang bansa na grabehan ang pagkondena sa mga drag artist, tiyak na mas lalong magiging mausisa at go for gold sa kontrobersya ang “Drag You and Me”.
Isasabog na ang kulay ng mga bahaghari ngayong Pride Month sa IWant TFC.
Tiyak, si Andrea Brillantes, na ang katauhan ay si Valetine Royale ang pupuruhan ng mga nakakainis na nagmamalinis. Tiyak na walang keber at dededmahin ito ni Blythe dahil talagang ine-enjoy niya ang pagiging drag. Cross between Betty Boop at Marilyn Monroe ang awrahan niya bilang Valentine, sa true lang.
A new gay icon is born nga, sa kanyang pagiging drag artist itong si Brillantes. Reaksyon niya sa pagiging gay icon: “Gusto ko iyan,” nakangiti nitong tugon. “Parte ako ng community. At ally nila ako. It’s an honor.”
Kuwento ni Blythe: “Lumaki po ako with my mom na ang mga friend niya pulos member ng community. Noong bata po ako na nagsisimula sa trabaho, lahat po ng mga gay mababait sa akin, mare-respesto. Laging nagdadamayan. So as a young kid na exposed to them, natuwa ako sa mga awrahan nila, sa lingo. Mababait sila at totoong magmagal. To be able to represent them sa generation ko, sobra akong nagpapasalamat.”
Si Brillantes pala ang first at only pick para sa katauhang si Valentine. Chika ni Andrea: “Sir Sir Deo Endrinal po ang pumili sa akin. Nagpapasalamat po ako sa tiwala niya. Sa kanya galing ‘yun ako lang ang nakikita niyang pwedeng gumawa nito. More excitement ang naramdaman ko, kesa sa pressure.”
Ang adhikain ni Andrea,”Gusto kong malaman ng generation ko, at pati ang mga iba, kung ano ba ang talaga ang isang drag queen. Gusto kong makita nila at tanggapin ang mga ano at bakit nila ito ginagawa. Na talagang sila ay creative, kindest, emotionally intelligent people.”
Only the beginning para kay Andrea ang kanyang pagganap sa “Drag You and Me.” Na-inspire nga siya in a major, major way kaya may nilikha siyang kanta para sa community na mapapakinggan na sa pinakamalapit na hinaharap.
Bet naman kaya ng mga moralista ang kuda at hanash ng newly minted gay icon? Ay, abangan ang susunod na kabanata, huh!
See Related Stories:
Andrea sawa na sa love team
Andrea inokray na ’Drag Queen’