Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P5 bilyon halaga para sa special development fund ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod ito sa Republic Act No. 11054, ang Organic Law ng BARMM.
“Tulad po ng ipinangako ko, at alinsunod po sa tagubilin ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy po ang DBM na aalalay sa BARMM sa abot ng aming makakaya. We will ensure that we will help in its smooth transition process and strengthening its communities,” pahayag ni Pangandaman.
Umaasa naman ang gobyerno na gagamitin ng mga opisyal ng BARMM ang nasabing pondo para sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad.(Prince Golez)