Hahablot muli ang rumaratsadang si Brice Baisa ng dalawang titulo paghambalos ng Palawan Pawnshop junior tennis circuit habang dodominahin ni Sandra Bautista ang girls’ side sa Zentro National Championships simula ngayon (Huwebes) sa Zentro Recreational Event courts sa Apalit, Pampanga.
Sinikwat ni Baisa ang top seeding sa boys’ premier category pagkawalis sa 18- at 16-and-under titles sa Iloilo, Roxas City, Bacolod, Imus at Cainta, Rizal stops ng country’s longest talent-search na hatid ng Dunlop.
Pero mapapasubo ang rising Puerto Princesa star sa misyong pang-anim na ‘doble’ dahil sa atat siyang sawatain nina siblings Frank at France Dilao, Kianfrederick Sulit, Cyrus Javier, Teddy del Rosario, Jr. at Seth Torrecampo sa paglalaway rin sa kampeonato ng Group I tournament na idaraos sa ilalim ng PPS-PEPP program na binuo ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.
Pero sina Frank at France Dilao ang nasa 1-2 rankings ng 16-U play kasunod si Baisa sa No. 3 at sina Zachary Morales, Torrecampo, Arthur Joson, Albert Manigque at Sulit.
Nakatuon si naman si Bautista sa malakas na simula mula sa pahinga sa paggiya sa mga hahampas sa 16-U na kabibilangan din nina Erynne Ong, Cadee Dagoon, Ronielle Oliveros at Ayl Gonzaga. Ang Imus, Cavite lass ang mangunguna rin sa 18-U division kasama sina No. 2 Jean Silva, Estela Frias, Shiloh Cruz, Angelica De Jesus, Glydel Guevarra, Son De Lee Escanilla at Althea Liwag.
Si Morales ay rank No. 1 sa boys’ 14-U play sa Zentro Group I tilt, makakatapat niya sina David Vytiaco, Jan Cuenza at Dean Palaroan, samantalang sina Dagoon at Ong mga mangunguna sa girls’ tiara kasama sina Ave Maria Policarpio at Kylie Cautivo.
Nagsisilbi rin ang five-day tournament, suportado ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at Universal Tennis Rating, apara sa malaking 12-araw na Mayor Bradly Bautista men’s and women’s singles Open umpisa sa Hunyo 6 sa Malita, Davao Occidental.
Paglalabanan din ang men’s at women’s doubles Open, ang mixed doubles Open, juniors at Legends seniors titles.
Sa mga detalye at pagpaparehistro, kontakin si tournament organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464.
(Abante TONITE Sports)