Masaya si Coco Martin dahil hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang working relationship ng partner na si Julia Montes.
Katunayan, sa kanyang suma, mga twelve years na rin ang CocoJuls simula nang magkasama sila sa seryeng “Walang Hanggan.”
Nagsalita rito ang aktor nang makapanayam siya sa celebrity screening ng “Unbreak My Heart” na sinuportahan nila ng kanyang labs na si Julia.
Iyon kasi ang isa sa rare moments na nagkakasama sila sa mata ng publiko.
Gayunpaman,ayon sa Kapamilya primetime king, gusto pa rin daw niyang maging pribado ang buhay nila para tahimik at walang kontrobersya.
“Kung ano ‘yung position namin ngayon, sobrang blessed lang talaga kami. And never nawala sa center si God so hindi nawawala ang mga good stuff. Si God talaga ang center,” deklara ni Julia.
Huling nagkasama ang dalawa sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Dahil sa pag-attend ni Coco sa nasabing screening ng seryeng co-production ng Dreamscape Entertainment, GMA-7 at Viu, may mga bulung-bulungan na posibleng tumawid ang aktor sa Kapuso network lalo pa’t uso na ngayon ang collab sa dalawang network. (Archie Liao)
META DESCRIPTION: Sa pag-attend ni Coco Martin ng celebrity screening ng “Unbreak My Heart” na produksyon ng Dreamscape Entertainment, GMA-7 at Viu, malakas ang bulung-bulungan sa posibleng pagtawid ng actor sa Siyete.
Uso na kasi ang collaboration sa dalawang network.
See Related Story:
Coco, Julia inaming 12 taong magdyowa