WebClick Tracer

SPORTS

Dave Bernabe, Jayvee Dela Cruz ireresbak mga kampo

STANDING

TEAM W L

x-Marinero-SB 4 1

EcoOil-LS 3 1

Perpetual 3 2

CEU 2 2

W-S-Letran 2 2

PSP 2 3

y-AMA 0 8

x – playoffs

y – eliminated

Mga laro ngayon (Ynares-Pasig)

2 pm – CEU vs PSP

4 pm – DLSU vs AMA

Parehong naghahabol ng panalo ang CEU at PSP baon sa quarterfinal round ng 11th PBA D-League 2023 Aspirants Cup.

Magtatagpo ang Scorpions at Gymers sa first game mamayang alas-2:00 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nasa 4th-5th ang CEU (2-2) kabuhol ang Letran, sa ibaba lang nila ang PSP (2-3). Outright semis na ang top two, nasa Nos. 1-3 ang San Beda (4-1), DLSU (3-1) at Perpetual (3-2).

Pareho ding talo ang mga Scorpions at Gymers sa huling salang,

Tumukod ang CEU 93-72 sa Altas, unang biktima ng Letran ang PSP 100-92.

“It’s a challenging stretch for us but it’s all about our desire. Kung gusto naming maabot yung summit, it may not be a championship but just getting better. We have to climb it. There will be struggles but it’s how we bounce back from a loss,” lahad ni CEU coach Jeff Perlas

Muli ay sina Dave Bernabe, Mark Anthony Anabogu at Ayodeji Balogun ang bibitibit sa Scorpions, sasakay ang Gymers kina Jayvee dela Cruz, Jolo Sumagaysay at DJ Bayla.

(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on