Nilinis ng korte ang pangalan ni Barbie Imperial kaugnay sa tatlong kaso na isinampa ng Vivamax star na si Debbie Garcia. ito’y dahil sa umano’y pananakit ng aktres.
Sa ‘Showbiz Update’ ni Ogie Diaz, ipinakita ang kopya ng desisyon ng korte para i-dismiss ang mga kasong grave oral defamation, slight physical injury at grave slander by deed laban kay Barbie.
“Ang naturang kaso ay ibinasura ng korte,” ayon kay Ogie.
Batay sa desisyon ng korte, hindi sapat ang nakita sa CCTV footage para mapatunayang may krimen na nagawa si Barbie, batay sa reklamo ni Debbie.
“The alleged defamatory remarks and the other acts intended or calculated to cast dishonor, discredit or contempt upon the Complainant that would constitute the crimes of Grave Oral Defamation and Slander by Deed are not evident in the CCTV footages attached to the Complaint,” parte ng desisyon ng korte.
Nakasaad din dito na hindi rin makikita sa CCTV footage na nagkaroon ng verbal confrontation ang dalawang aktres, maging ang umano’y pananabunot, paninipa at pangangalmot na inireklamo ni Debbie.
“Ginawang batayan ng korte ang CCTV na hindi talaga sila nagdikit ni Barbie,” ayon pa kay Ogie.
Matatandaan na unang ibinalita ng Tonite ang tungkol sa issue, kung saan ikinuwento ni Debbie ang umano’y pangangalmot sa kanya ni Barbie habang nasa isang bar sa Quezon City.
Samantala, hindi na raw magsasampa ng kontra demanda ang kampo ni Barbie kontra kay Debbie.
“Hindi na raw magsasampa (ng kontra demanda) si Barbie. Gusto na lang daw ni Barbie na malaman ng mga tao na siya ang nagsasabi ng totoo,” lahad ni Ogie.
“Pwede rin naman mag-motion of consideration si Barbie para buhayin ang kaso kung gugustuhin nila.” (RP)
See Related Story:
Barbie first time pumiyok sa kaso kay Debbie Garcia