WebClick Tracer

METRO

PWD na lola natusta sa sunog

Dala ng kapansanan, hindi na nakalabas pa ang lola sa nasusunog na bahay sa ilalim ng flyover sa Brgy. Balumbato, Camachile, Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na natagpuan ang sunog na bangkay ng 77-anyos na babae sa isang residential area sa Brgy. Balumbato, Camachile, sa lungsod.

“Nakita na natin ‘yung body, na-confirm na natin. Itinawag na natin sa SOCO ‘yan para ma-process,” ayon kay QC Fire Marshall Aristotle Bañaga.

Sa report, nagsimula ang sunog sa boundary ng magkatabing barangay ng Unang Sigaw at Balumbato alas-4:00 ng madaling araw. Mabilis na kumalat ang apoy at itinaas sa ikaapat na alarma.

Ayon kay Bañaga, nahirapan ang mga bumbero na kontrolin ang sunog dahil dikit-dikit ang mga kabahayan at karamihan ay pawang gawa sa light materials.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at kung ilang kabahayan ang natupok na naapula alas-8:00 ng umaga. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on