Sa panayam kay Sam Pinto, nausisa ni Boy Abunda ang actress kung bakit naisipan nitong pansamantala munang magbabu sa showbiz noong 2017.
Sey naman ng tinaguriang FHM Philippines’ sexiest woman noong 2011 at 2012, napagod daw siya noon kaya naman naisip niyang magpahinga muna sa sirkulasyon.
“I was tired and burnt out, so I needed a break,” pag-amin niya.
Ayon pa kay Sam, naging oportunidad din daw iyon para mag-focus siya sa kanyang negosyo: ang L’Sirene, ang boutique resort niya sa Baler.
“I think I enjoyed that break too much because I was just chilling,” paliwanag niya.
“I had all the time that I needed. I can do anything, I can go anywhere, parang freedom, basically,” dagdag niya.
Hirit pa niya, akala raw niya raw ay permanente na siyang magpapaalam sa showbiz.
“At that time, ayoko na, because I was working mostly everyday,” pagbabalik-tanaw niya.
Pero, dahil mahal niya ang pag-arte, aminado siyang na-miss niya ang showbiz.
Kaya naman nang may tumawag daw sa kanya para makasama sa cast ng Kapuso teleseryeng “Abot-Kamay na Pangarap,” hindi na raw niya ito napahindian.
Sa naturang panayam, naurot din ng King of Talk si Sam sa kumalat na isyu noon na na-link sa kanya si Alden Richards.
Paliwanag naman ni Sam, totoo raw na nag-date sila ni Alden pero bahagi lang daw iyon ng promo ng kanilang movie na “Tween Academy Class of 2012.”
Gayunpaman, masaya raw naman ang naging dinner date nila ng Kapuso bedimpled actor.
Pa-throwback pa niya, napakabata pa raw noon ni Alden kaya hindi sumagi sa isip niya na ito’y ‘patusin.’
“He was too young,” ani Sam. “But ever since, he’s the sweetest naman kasi,” pahabol niya.
Si Sam ay kasal na sa Aussie born Pinoy professional basketball player na si Anthony Semerad kung saan meron na itong anak na babae.
META DESCRIPTION: Nilinaw ni Sam Pinto ang naging isyu tungkol sa pagkaka-link sa kanya noon ni Alden Richards. Aminado naman ang aktres na nag-dinner date sila ng Kapuso actor.
Dagdag pa niya, napakabata pa raw ni Alden noon kaya di sumagi sa isip niya na ‘patusin’ ito.
Bianca tinaob sina Sanya, Gabbi, Kylie
Inilabas na ng pamosong TC Candler ang listahan ng mga nominadong celebrities na pasok sa 100 most beautiful faces of 2023.
Para sa buwan ng Mayo, nag-iisang Pinay celebrity lang ang nominado.
Ito ay walang iba kundi ang Kapuso actress na si Bianca Umali.
Dahil dito, niluma raw ng dyowa ni Ruru Madrid ang mga kapanabayan nitong sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Barbie Forteza na hindi nakasama sa nasabing list.
Sa inilabas na roster ng pamosong creator ng Annual Independent Critics List of the 100 Most Beautiful Faces of the Year, kabilang sa listahan sina Momo Hirai o Momo, ang kilalang Japanese singer, rapper at dancer na miyembro ng popular South Korean girl group na “Twice,” Nicha Yontararak o Minnie, ang Thai singer-actress na pambato ng South Korean girl group na “I-dle”, at Sullyoon, ang South Korean singer ng girl group na “NMIXX”, at Ayaka Arai, ang kilalang Japanese singer at idol.
Kasama rin sa napili sina Taylor Marie Hill, ang American model at dating Victoria’s Secret Angel na nakilala sa mga popular brands tulad ng Ralph Lauren, Michael Kors at Carolina Herrera, Özge Yağız, isang pinagpipitaganang Turkish actress, Keerthy Suresh, isang Indian actress na bukambibig sa mga pelikulang Kollywood o Tamil at Telugu cinema, Imane Anys, o Pokimane, isang Moroccan-Canadian Twitch streamer at YouTuber, Franciny Ehlke, isang vlogger at beauty enthusiast na kilala sa kanyang self-titled YouTube channel at Demet Özdemir, isang Turkish actress at dating dancer na patok ang dance videos sa streaming formats.
Matatandaang noong nakaraang taon, nakasama sa top 10 ng most beautiful faces of 2022 sina Ivana Alawi na nakakuha ng ikaapat na puwesto at Nancy McDonie na nakakopo ng ikalimang puwesto.
Pasok naman sa ika-18th spot ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.
See related stories:
Sam Pinto nanganak
Sam yummy ang patakam
Sam pasilip ng ‘pakwan’