Mga laro ngayon (Ynares-Pasig)
5 pm – Converge vs Terrafirma
7:30 pm – NLEX vs Rain or Shine
Gagamitin ng Terrafirma ang PBA On Tour para pasadahan ang lineup, kung sino ang pupuwede o hindi sa sistemang gustong ilatag ni coach Johnedel Cardel sa papasok na 48th season ng liga.
“Dito ma-de-decide fate ng expirees,” ani Cardel Huwebes. “Kahit no-bearing mga game, meron pa ring bearing sa kanila.”
Unang sasagupain ng Dyip ang Converge sa first game ng double-header ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Karamihan sa nasa roster ng Terrafirma ay hanggang December lang ang mga kontrata. Umalis pa si center Joseph Gabayni.
“Lalo kaming lumiit nu’ng mawala si Gabayni, ang natira lang naming bigs sina Isaac (Go), Aldrech (Ramos) and Eric (Camson),” dagdag ng coach. “Kung wala kaming makuha in the course of this On Tour, siguro sa draft na lang kami aasa.”
Tinapik nila sina 3×3 specialists Jeremiah Taladuah at Shaq Alanes.
Halos intact naman ang lineup ni coach Aldin Ayo sa FiberXers, sina Adrian Wong at Mike Nieto lang ang nadagdag.
(Vladi Eduarte)