Loving her solo era ang dramarama ngayon ni Andrea Brillantes sa “Drag You and Me.” Ito kasi ang kauna-unahang palatuntununan na kanyang pinagbibidahan na literal na wala siyang kilala sa set, mas lalong wala siyang ka-close na hombre, at talagang lahat ng mga ginagawa niya rito ay literal na first time para sa babaing minamamahal ni Ricci Rivero.
Siya ang literal na reyna sa drag universe sa kanyang programa na magpapagising sa natutulog na pagkalalaki ni JC Alcantara.
Dahil may stamp of approval mula sa rainbow community ang pagiging dalagang bayot ni Blythe, ang mga katkatera, nagbubunganga na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz, makapal na alikabok ang pinalamon na mga prinsesitang kasabayan.
Ang hanash ng mga team katkatera, love team dependent sina Mariano, Ilacad at Diaz. Wala pa itong mga napapatunayang kayang tumayo sa kanilang mga sariling paa at merito. At kung walang Donny Pangilinan, KD Estrada at Seth Fedelin, hindi magluluningning ang mga bituin ng mga dalaga na rin at hindi na mga batang prinsesa sa Star Magic Kingdom.
Ang mga bekibel at pamhinta, hail to the queen na ang turing kay Blythe dahil nga pasang-pasa ang pagganap nito sa katauhan niyang si Valentine Royal. Hindi in a snap eh magiging bakla ang isang tunay na babae, lalo na nga’t drag queen pa na bordering lagi sa pagiging fierce and fabulous,Kuda nga ni Blythe, “Being a drag queen gives me confidence. Feeling ko mas maganda ako in drag at mas pantay ang mukha ko. Hahahaha.”
More hanash mula sa team katkatera, may masculine energy si Belle kaya di kayang mag-drag. Maarte ang tingin kay Alexa kaya asiwa kung maging drag princess ito. Hindi rin daw bagay ito kay Francine.
Sa four way laban nina Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, Belle Mariano at Francine Diaz, exciting times talaga ang mga magiging Kaganapan at pasabog sa kaharian ni Laurenti Dyogi, huh!
(Alwin Ignacio)