WebClick Tracer

METRO

Balik-dalaw sa Bilibid, Correctional ubra na

Matapos ipagbawal, muling ibinalik ng Bureau of Corrections (BuCor) ang visiting privileges ng persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Matatandaan na sinuspinde ang mga dalaw matapos maiulat na positibo sa COVID-19 ang ilang pasilidad sa nasabing mga piitan. At ngayong nakumpirma na at idineklarang COVID free ang dalawang prison facility ay ibinalik na muli ang dalaw.

Sa pahayag nitong Huwebes, Mayo 25, sinabi ng BuCor na ang mga PDL sa NBP at CIW ay maaaring bisitahin ng kanilang kapamilya tuwing Miyerkules hanggang Linggo mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa NBP, sinabi ng BuCor na kinakailangang ipakita ng mga bisita ang kanilang negatibong rapid antigen test result na inisyu 24-oras bago bumisita. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on