WebClick Tracer

METRO

Esmi kinatay, mister tsugi sa rumespondeng pulis

Patay sa pananaga ng kanyang mister ang isang misis habang napatay ng pulis sa pamamaril ang kanyang mister matapos atakihin ang pulis na aaresto sa kanya kamakalawa sa Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na sina Christopher Realo, 32, at misis nitong si Yhina Realo, 32, kapwa taga-Barangay Mabolo ng nabanggit na lungsod.

Sugatan naman ang pulis na si Corporal Joshua Tiaba, nakatalaga sa Police Station 5, ng Naga City Police Office (NCPO), matapos itong mataga sa kanang balikat ni Christopher.

Sa ulat ni Senior Master Sgt. Tobias Bongon, tagapgsalita ng NCPO, naganap ang insidente alas-diyes ng gabi sa bahay ng mag-asawang Realo sa Zone 1 Barangay Mabolo.

Nagtalo ang mag-asawang Realo hinggil sa hindi pa batid na bagay na nauwi pananaga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng mister sa kanyang misis na agad nasawi.

Agad namang nakaresponde ang mga pulis, sinubukan nilang pasukuin ang suspek subalit tumanggi ito dahilan upang pasukin na ang bahay pero nataga ng suspek si Tiaba dahilan upang barilin siya ng kasamahan nitong pulis.

Sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang suspek pero idineklara na rin itong dead on arrival. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on