WebClick Tracer

SPORTS

Eya Laure, Imee Hernandez hahambalos sa Crossovers

Nagpaalam na si Ejiya ‘Eya’ Laure sa University of Santo Tomas Golden Tigresses sa social media Huwebes ng gabi para mapabilang sa limang bagong recruit ng Chery Tiggo na papalo sa 6th Premier Volleyball League 2023 Invitationals sa Hunyo.

Labis ang pasasalamat ng 24-anyos, 5’10“ outside/opposite hitter/setter at 81st UAAP Rookie of the Year 2019 sa kanyang social media account at nagpaumanhin na isang kampeonato lang (76th UAAP juniors 2013) ang naibigay sa koponan na pinagserbisyuhan ng 12 taon.

“Kaya siguro up until the last minute, I wanted to find a way to play for one more year. Para akong nakikipag-break sa libu-libong tao and my heart is shattering into pieces. Ang sakit at ang hirap magpaalam,” sey niya.

Hinirit ng balibolista: “Patawad dahil hindi ko naibigay ang championship na deserve ninyo. But more than that, salamat. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang laki ng pasasalamat na meron ako sa inyo.

Sinugurado rin ni Laure na patuloy na susuportahan ang España-based squad sa abot ng kanyang makakaya.

“Lagi ninyo akong pinupuri dahil sabi ninyo mahal na mahal ko ang UST. Pero sana malaman ninyo na kayo ang nagturo sa akin nun,” saad pa niya. “Pangako, kahit saan man ako mapadpad, bitbit ko ang pagmamahal ninyo. No goodbyes. Just see you again. I will forever be your Kapitana Eya Laure. Kasama niyong sisigaw ng Go USTe hanggang dulo.”

Ang ilan pang nalambat ng Crossovers ay sina UST middle blocker Imee Hernandez at NU Lady Bulldogs graduates Joyme Cagande, UAAP season 84 Finals MVP Princess Robles at dating Best libero Jennifer Nierva. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on