Malaki na talaga ang ipinagbago ni Joshua Garcia.
Mula sa pagiging shy at reluctant matinee idol, masasabing oozing with confidence na ngayon ang aktor.
Pagkatapos na mag-trending din noon ang kanyang dance moves sa TikTok na umani ng million views, napansin din ang kakaibang charm ng aktor na kinakikiligan ng mga kafaneyan.
Maituturing din si Joshua sa pinaka-sought after na actor ng kanyang henerasyon.
Sunud-sunod ang kanyang mga proyekto kaya siya na ang apple of the eye ng mga producer.
Bilang most in demand lead actor, napanis sa kanya ang likes ng Kapamilya leading men tulad nina Piolo Pascual, Daniel Padilla, Enrique Gil, Gerald Anderson atbp. Kahit pa hindi naman masasabing hunk ang actor tulad ng sinabi ng isang respetadong director, may pambawi naman kasi sa aktingan si Joshua.
Kung noon ay atraksyon ang kanyang hubad-baro sa “Darna”, tila naging prerequisite na rin ito sa kanyang succeeding projects tulad ng “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” at sa soon to be shown na “Unbreak My Heart.”
Kung pinag-usapan naman ang nakakalokang kissing scene nila noon ni Janella Salvador sa “Darna,” lalo namang nawindang ang netizens sa mga maiinit na eksena niya sa kanyang co-stars na sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia sa “Unbreak My Heart” na tila ‘tinuhog’ niya.
Base rin sa mga nakapanood sa celebrity screening, ang sarap daw pisil-pisilin ng nagmumura at ‘pinkish’na utong ng aktor na na-sightsung din ang tila pabakat sa kanyang mga hubad-barong eksena sa serye.
Dahil dito, sey ng netizens at followers ng aktor, si Joshua na raw ang tinaguriang undisputed ‘higop king’ na na-master na ang art of ‘tukaan.’
Sa ngayon, inaabangan na ng mga Kapamilya at Kapuso ang “Unbreak My Heart” na unang kolaborasyon ng ABS-CBN/Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines na mapapanood na simula sa Mayo 29.
Acid test din ito para malaman kung may magic pa ang tambalang JoChard nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa kanilang reunion series pagkatapos makilala sa TV series na “Be Careful with My Heart.”
Abangers din ang kafaneyan kung sino kina Jodi at Gabbi ang mas daring , mas realistic o mas nakaka-elya mae saeson sa pakikipagtukaan kay Joshua.
(Archie Liao)