WebClick Tracer

SPORTS

Joenard Rates lider pa rin sa ICTSI-Philippine Masters

Joenard

Nangapa sa mga bogey sa harapan na nagpalapit sa dalawang karibal, pero kalmado lang si Joenard Rates sa mainit na kondisyon, binirdie ang huling dalawang butas para masagip ang 71 at kapitan ang isang palong kalamangan sa kumilos na si Guido Van Der Valk sa kalahatian Huwebes ng hapon ng ICTSI Villamor Philippine Masters sa Villamor Golf Club.

Tinirada niya iyon habang pinagpag ang presyur pantapat sa malakas na dating nina Manila-based Dutch Van der Valk at Keanu Jahns sa magkahiwalay na mga flight at pinapurihan ang kalibre ng player na binugbog ang patag pero nakakatulirong layout sa 65 noong Miyerkoles, pero nagbadyang mawasak sa tatlong bogey sa unang limang butas sa front makalipas mag-34 sa likuran.

Kapos man sa taas, dehins naman naubusan ng kinang ang 5’3” na si Rates – pati nang palabang espiritu, nagsalpak ng mga clutch sa birdie putts sa Nos. 8 at 9 at one-under card pa-36-hole total eight-under 136.

“I hit errant drives and had a couple of mishits at the front,” lahad ni Rates, na nag-nine-under overall sa birdies sa Nos. 14 at 17, pero nadagdagan ng mga palo sa Nos. 2, 3 at 5 na nagpadikit kina Van Der Valk (67-137) at Jahns (70-138).

(Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on