Binalikan ni Julie Anne San Jose ang kanyang early beginnings bago pa man siya maging Limitless Star at Kapuso actress.
Aniya, bata lang daw siya ay kontesera na siya.
Ang lola raw niya ang may gusto na mag-artista siya noon.
Sa edad ng dalawang taon ay sumali na raw siya sa Little Miss Philippines.
Naging bahagi rin daw siya noon ng children’s show na “Batibot.”
Noong 2005 daw ay nag-join siya ng reality singing competition na “Popstar Kids”.
Bagamat hindi nanalo, naging miyembro raw naman siya ng singing group na “Sugarpop” kasama sina Rita Daniela at iba pang groupmates na naging pasaporte niya sa pagpasok sa showbiz and the rest is history.
Pagbabahagi pa niya, favorite role raw niya ang papel ni Maria Clara sa “Maria Clara at Ibarra.”
Sa nasabing panayam, naitanong din sa singer-actress kung lalaban ba siya kung sakaling may showdown sila sa pag-awit ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Aniya, ayaw raw niyang isipin na makipagtunggali kay Sarah dahil idol niya ito.
Katunayan, nag-fangirling daw siya sa Popstar Royalty noong nagperform ito sa church nila sa Mindanao Avenue.
Gayunpaman, dream daw niya ang makipag-collaborate kay Sarah at kung sakaling magsasama sila sa isang production number ay kakasa raw siya at paghahandaan niya ito.
Nahihiya naman kahit flattered ang singer-actress sa bansag sa kanya ni Boy Abunda bilang “Amazing Phoenix.”
Tungkol naman sa boyfriend na si Rayver Cruz, aminado siyang mahihirapan siyang mabuhay na wala ito sa piling niya.
Matagal na raw kasi niyang kakilala ang nobyo at itinuturing niya itong best friend at confidante sa kanyang mga problema.
Kasama rin daw niya ito sa ups and downs ng buhay niya kaya hindi niya ma-imagine na mabuhay na wala ang taong espesyal sa kanya tulad ni Rayver.
(Archie Liao)