Bumangga ang minamanehong sasakyan ng isang Koreano sa bakod ng isang tulay sa Noveleta, Cavite Miyerkules ng gabi.
Masuwerte namang hindi nasugatan ang 46-anyos na Korean na si Park Yun Shan, isang Electronic Office Manager sa EPZA Bacao at residente ng San Pablo City, Laguna.
Sa ulat, galing ang Koreano sa EPZA at bumabagtas sa Centennial Road sa Gen. Trias City, Cavite gamit ang kanyang kotse alas-9:24 kamakalawa ng gabi, pero pagsapit sa fly-over ng Ilang-ilang sa Brgy. Sta Rosa 2, Noveleta, Cavite patungo sa Kawit ay hindi nito napansin ang isang harang sa nasabing tulay at mabangga nito.
Maliban sa sira sa bridge barrier, masuwerte namang hindi nasugatan ang biktima kaya hindi na ito dinala pa sa ospital. (Gene Adsuara)