Naaresto ng Cavite Police ang isang online teacher at nasamsam ang halos P70K o kabuuang P69,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation sa Imus City, Cavite Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Cherrie Monzon, 46, may-asawa, ng Imus City, Cavite.
Sa ulat, alas-2:48 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Imus City Police sa Brgy Malagasang 2-B, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa kanya ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P69K at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 Article 2 ng RA 9165 ang kinakaharap ng suspek. (Gene Adsuara)