WebClick Tracer

OPINION

Maharlika Investment Fund isantabi na

NAKAKALITO na kung talaga bang may pondo o wala ang ating gobyerno para sa pagpopondo sa mga pangunahing serbisyo na dapat ibigay sa publiko.

Dahil muling uminit ang usapan ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na ngayon ay pinagderebatehan sa plenaryo sa Senado.

Naunang inamin mismo ng mga economic managers ng Marcos administration na kapos daw sa pondo ang gobyerno at upang hindi sumadsad ay kailangang maghanap ng pamamaraan para hindi daw sumadsad ang pananalapi sa bansa.

Pinagdiskitahan nga ng gobyerno ang reporma sa mga benepisyo ng mga sundalo at pulis kung saan ay isinusulong nito na kaltasan ng kontrubusyon para sa pension pag nagretiro sa serbisyo.

Pero ngayon ay bakit ipinipilit na naman ang MIF bill na naglalayong bumuo ng pondo upang ipanglagak na puhunan.

Sa MIF ay magmumula ang pondo sa GSIS, SSS , Pag Ibig fund na hindi naman nakatitiyak na ito ay kikita at magbebenepisyo ng publiko .

Kung malugi ang MIF ay mas lalong trahedya ang mangyayari sa lahat ng mga manggagawa na miyembro ng GSIS, SSS, Philhealth at Pag Ibig Fund.

Masyadong mapanganib ang MIF na kung malulugi ay mas marami ang magdudusa at mas lalong ma baon sa utang ang gobyerno.

Bukod dito ay masyadong delikado din sa katiwalian ang MIF at walang kasiguruhan na hindi matutukso ang mga mangangasiwa sa nasabing pondo.

Pinakamainam na isantabi na muna ang panukalang MIF at maaring ipursige ito kapag naging maayos na ang kalagayang pinansiyal ng ating bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on