WebClick Tracer

METRO

Nag-text na tumawid, bata dedbol sa bundol

Dedbol ang isang bata matapos banggain ng kotse habang nagti-text na tumatawid ng kalsada sa Barangay Magsaysay, Santa, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon sa Santa Police Station (SPS) ang 11-anyos na biktima ay taga-Barangay Magsaysay, ng nasabing bayan. Ang driver naman ng kotse ay si Samuel Barba Gamboa, 35, Barangay Casilagan Norte, Banayoyo.

Sa report, ayon kay SPS officer P/Capt. Mark Bryan Corpuz, nagsi-cellphone ang biktima habang tumatawid nang mahagip ng kotse na minamaneho ni Gamboa.

Sinabi ni Gamboa, nagulat na lamang siya nang biglang sumulpot ang biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng mahigit sampung metro ang biktima na agad na dinala sa ospital ngunit dead-on-arrival dahil sa serious head and body injury.

Kusa namang sumuko ang suspek sa SPS at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on