WebClick Tracer

NEWS

OFW buking na minor, nasagip

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa maling representasyon o pamemeke ng kanyang edad.

Hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang menor-de-edad na OFW bago ito nakasakay sa Philippine Airlines patungong Jeddah para magtrabaho bilang household service worker.

Ibinahagi ni Commissioner Norman Tansingco na ang OFW, na nabiktima ng isang manlolokong ahensya ay nagpakita ng mga dokumento na nagsasabing siya ay 24-anyos.

“However, it was apparent in her demeanor that something was off,” sabi ni Tansingco. “She was obviously younger than her presented age,” dagdag pa niya.

Nakapagpakita ang biktima ng pasaporte na may valid working visa na nagsasaad na siya ay 24-anyos ngunit natuklasan ng mga opisyal na ang birth certificate na dala niya ay binago.

Ang patakaran sa HSW na magtatrabaho sa Middle East ay hindi dapat bababa sa 24 taong gulang. (Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on