WebClick Tracer

SPORTS

Raven Cortez, Ben Phillips walastik sa Green Archers

Sa angas nina Raven Cortez at Ben Phillips, walang awa na nilampaso ng EcoOil-De La Salle ang AMA Online 126-43 sa second game ng PBA D-League Aspirants Cup Huwebes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

League-record na ang 83-point win ng Green Archers, malayo na pagkatapos ng first quarter 42-10 na pinabuka pa sa 80-29 sa break. Record din ang kinaya ng Titans na 2 points lang sa fourth – ang jumper ni Earl Ceniza sa 4:38 mark, 118-43.

Ang tig-10 markers lang nina Ceniza at Reed Baclig ang pinakamalaki sa AMA, tinapos ang elims sa 0-6.

Umiskor lahat ang 13 players ng DLSU na parang ginawang practice game lang ang laro. May tig-19 sina Cortez at Phillips, 15 kay Bright Nwankwo.

Inakbayan ng Archers sa 4-1 ang idle San Beda, nag-uunahan sa top two na didiretso sa semis.

Sa first game, nahulog ang tres ni Ron Rei Tolentino sa final 18 seconds at naligtasan ng CEU (3-2) ang PSP (2-4) sa double overtime 109-107.

(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on