Sa last episode ng Season 4 ng “Just In”, nakahuntahan ni Paolo Contis ang kanyang kaibigan at panauhing si Joross Gamboa.
Pa-throwback ni Joross, bata pa lang daw siya ay madalas na siyang naipapatawag sa principal dahil sa mga kalokohan niya.
Katunayan, minsan daw ay muntik na siyang ma-kick out sa school dahil sa naglaro siya ng ‘tear gas.’
Pagbibiro niya, nalusutan daw niya ang gusot dahil magaling umakting ang kanyang madir.
Hirit pa niya, never din daw niyang pinangarap na mag-artista kahit may mga talent scout na nag-engganyo sa kanya noon na pasukin ang nasabing larangan.
Nababaduyan daw kasi siya sa mga ginagawa ng mga artista kaya mas bet daw niya noon ang maging commercial model.
Hindi raw niya malilimutang karanasan noon ay nang kinunan siya maghapon kasama si Charlene Gonzales para sa isang brand.
Asa raw siya noon na mapapanood niya ang kanyang sarili pero ang lumabas lang daw sa final cut ng commercial ay ang paa niyang suot ang rubber shoes.
Dahil palabiro naman talaga, naging bentahe raw niya ito sa pagpasok sa showbiz.
Ayaw raw kasi niyang makahon noon sa love team tulad na lamang ni Eddie Garcia na puwede sa aksyon, comedy o drama.
Hindi rin daw niya pinangarap noon na maging bida dahil mas bet niya ang magtagal sa showbusiness.
Hindi rin niya ikinaila na marami siyang mga kaaliwaswasang ginawa noon dala ng kanyang kabataan.
Ilang beses na rin daw siyang nasigawan ng kanyang mga director tulad nina Joey Reyes at Cathy Garcia Molina.
Ang gusto lang daw niya kay Direk Cathy ay hinahayaan siya nitong mag-improvise siya ng kanyang comic tactics lalo na sa pagbibitaw ng punchline.
Unti-unti raw nabago ang kanyang pananaw nang makatrabaho niya sina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.
Si Toni raw ang naging good influence niya para hanapin ang tunay na purpose niya bilang artist.
Pagbabalik-tanaw pa niya, sa set daw ng kanilang movie noon, ‘binuyo’ pa niya ang co-star na si Sarah Geronimo na kilala sa pagiging prim and proper na makipag-inuman sa kanila.
Tungkol naman sa buhay may asawa, marami rin daw naging pagsubok ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Kathy Kimberly Saga pero sa tulong ng kanilang God-centered relationship ay nalalampasan nila ang mga ito.
Matagal na ring practicing Christian si Joross subalit mas napalapit daw siya sa Diyos noong panahon ng pandemic.
Nagpapasalamat din daw siya kay Alden Richards na nakatrabaho niya noon sa “Hello, Love, Goodbye” na nag-introduce sa kanya sa gaming world kung saan kumikita siya hanggang ngayon bilang live streamer.