WebClick Tracer

NEWS

1 pang suspek sa Degamo slay laban-bawi vs Cong Teves

Isa pang suspek sa Degamo murder case ang umatras sa kanyang testimonya na nag-uugnay kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa krimen.

Nabatid na si Joven Javier ang ikalimang suspek na naging testigo ngunit binawi ang kanyang testimonya.

Ayon kay Atty. Danny Villanueva, abogado ni Javier, binago nito ang kanyang apat na testimonya na ginawa noong Marso 5 sa mga pulis sa Negros Oriental at tatlong testimonya na ibinigay sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.

Sinabi ni Villanueva na idinagdag ng NBI ang pangalan ng iba pang suspek sa affidavit ni Javier na noong una ay mga alyas lamang dahil sinabihan umano ito ng ahensya na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Dagdag pa ng abogado na tinorture din umano si Javier sa Negros Oriental at sa Maynila.

Maghahain umano sila ng petition for habeas corpus sa Manila Regional Trial Court para kay Javier.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasahan na nila na magbabago ng testimonya ang ilang suspek matapos na mabigyan ng abogado. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on