WebClick Tracer

NEWS

69% ng mga Pinoy hirap makahanap trabaho – survey

Maraming Pilipino ang nahihirapan makahanap ng trabaho ngayong unang quarter ng 2023, ayon sa isang survey.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Marso 26 hanggang Marso 29, nasa 69% ng mga Pinoy ang nahihirapan makahanap ng trabaho.

Nasa 11% naman ang bilang ng mga tumugon sa survey na nagsabing madali ang paghahanap ng trabaho. Lumabas din sa survey na 16% ang nagsabing hindi mahirap ang paghahanap ng trabaho habang nasa 4% naman ang sumagot na hindi nila alam.

Samantala, aabot naman sa 50% ng mga na-survey ang naniniwalang maraming magbubukas na trabaho sa susunod na taon, 26% ang nagsabing walang magiging pagbabago, at 10% ang naniniwalang kakaunti lamang ang mga trabahong magbubukas.

Nasa 1,200 na Pinoy na edad 18 ang tinanong sa face-to-face survey kung ano ang kanilang opinyon tungkol sa paghahanap ng trabaho at kung ano ang nakikita nilang pagbabago sa susunod na 12 buwan. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on