WebClick Tracer

NEWS

8 Tsinoy, 1 Pinoy dinikdik sa pekeng resibo

Sinampahan ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) sa Department of Justice (DOJ) ang 8 Tsinoy at 1 Pinoy dahil sa pagbebenta ng mga pekeng resibo.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Bernard Lu Chong, Alaine Margaret Chua Chong, Jay Antonio Chua, Marc Eugene Sy, Mathew Haw, Emerson Chua Tan, Chester Ong Caw, Alexander Lao, Noel Bonggat at 22 pang empleyado pang kasabwat.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong Falsification of Commercial Documents at Printing of Fraudulent Receipts or Sales o Commercial Invoices.

Nabatid na ang mga resibo at invoices ay binibili ng malaking taxpayer corporation kapalit ng bayad na 0.4% hanggang 1.25% ng kabuuang halaga ng binili para maiwasang magbayad ng buwis sa gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on