WebClick Tracer

METRO

Ermat binugaw 5 anak sa cybersex

Kinasuhan sa Department of Justice (DOJ) ang isang ina matapos ibugaw ang lima niyang anak para sa online sexual activities sa dayuhan.

Ang babae na naaresto sa Dinalupihan, Bataan na hindi pinangalanan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 11930, may kinalaman sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials; RA No. 11862, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan at RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Nabatid na ang lima niyang anak ay pawang menor de edad kung saan 17-anyos ang pinakamatanda.

Ayon sa DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking, ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant to Search, Seizure, and Examine Computer Data mula sa Makati Regional Trial Court.

Nakumpiska sa ginang ang 3 cellphone na may mga sexual video ng kanyang mga anak.

Nasagip ang limang bata na ngayon ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Nag-ugat ang operasyon ng NBI sa pagtimbre ng Australian Federal Police noong 2022 matapos arestuhin ang isang Australian sa Sydney International Airport mula sa Thailand dahil sa kasong may kaugnayan sa child exploitation. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on