Ayon sa magaling at award-winning actress na si Eula Valdes, nakaranas na raw siyang daan-daanan lang ng mga kabataang artista tulad ng emote ng ibang veteran actor.
“Meron dati. Dumating ako sa standby area. Nag-uusap sila sa upuan, may kama bigla silang lumipat doon, meaning iyon ang puwesto nila, so napahinto lang ako na ok, dito lang ako. Pero, nasaan na sila ngayon?,”kuwento niya.
Hirit pa niya, hindi rin daw siya nagpaapekto sa ipinakitang kakulangan ng respeto ng nasabing stars.
“Tahimik lang ako.Kasi parang…enjoy-in ninyo iyan, tingnan natin kung magtatagal kayo,”pakli niya. Aminado rin siyang nakaranas na siyang makatrabaho ang mga bano o bobitang aktor.
Gayunpaman, hindi raw naman siya iyong tipong pakialamera.
“Di ko sila ina-approach.Kung sinabak silang hindi pa ready,di ko problema iyon.Although ako personally, pag involved ako sa isang project, sana ganito.Parang unethical din naman sa mga baguhan na mag-approach kung wala naman silang hinihinging tulong sa iyo,”paliwanag niya.
May isang hindi naman makakalimutang anekdota si Eula tungkol sa ang isang magaling na aktor na kinumpronta niya.
“Bata pa siya noong time na iyon, naglalaro siya.May sinabihan ako na “Umayos ka riyan.Lalamunin kita,”pa-throwback niya.
Natigagal daw ang aktor sa sinabi niyang iyon pero magaling na raw umarte ito ngayon.
Si Eula ay kasama sa cast ng “Unbreak My Heart”.
(Archie Liao)