Sinentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawang opisyal ng Rigen Wellness Product Marketing ng Tagum-City para sa syndicated estafa bunsod ng pagso-solicit ng mga investments ng walang lisensiya.
Sabi ng Securities and Exchange Commission, napatunayang may sala ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 si Rigen Wellness CEO Rico John Colorines Garcia at auditor ng kompanya na si King Paul Bryan.
Pinagbabayad din sila ng P2.01M sa actual damages at P120,000 moral damages na may
6% interes kada taon.
Mayo 2019 pa nagbabala ang SEC laban sa Rigen Marketing at inisyuhan na ito ng cease and desist order nung Hunyo 2019. (Eileen Mencias)