Magbabalik-showbiz na nga si Jennylyn Mercado. Hindi lang sa telebisyon pati na rin sa pelikula. In fact, una na siyang nakipag-meeting kina Director Real Florido at producers RJ Agustin , Jon Verzosa at writer na si Rona Co para sa gagawing pelikula.
Last Thursday naman, nagkaroon ng Zoom meeting ang ilang creative peeps at cast ng “Live, Die, Repeat” . Pinag-usapan ang pagre-resume ng taping.
Sa report ng “24 Oras,” inamin ni Jennylyn na kinakabahan siya dahil matagal siyang nabakante na umarte.
“Kinakabahan ako at para akong nagsisimula uli. Nag-focus kasi ako maging mommy at wife,” sabi ni Jennylyn.
Para ihanda ang baby girl nina Jennylyn at Dennis Trillo na si Dylan na wala siya sa tabi niya, kapag may free day siya, umaalis ang aktres.
“Tina-try ko na hindi makita si Dylan. Medyo malaking adjustment ito dahil lagi nga kaming magkasama,” ani Jennylyn.
Sa parte naman ni Xian Lim na kapareha ni Jennylyn sa series, excited ito sa pagre-resume ng taping nila. “I feel honored and privileged na parte pa rin ako ng series,” masayang wika ni Xian.
Sa direction ni Irene Villamor, ilan sa kabilang sa cast sina Ina Feleo, Valeen Montenegro, at Gardo Verzosa. (Nitz Miralles)
See related stories:
Dennis nagpakilig sa hugot kay Jennylyn
Jennylyn balik-kayod sa Kapuso
Jennylyn hindi pa rin mapapanood sa first quarter ng 2023?