WebClick Tracer

SPORTS

Jimmy Butler, Heat kakaldagin ang Celtics sa susunod na laro

Dinomina ng Boston ang Miami 110-97 sa Game 5 ng NBA East finals Huwebes ng gabi sa TD Garden.

Idinikit ang series 3-2, buhay pa ang ambisyon ng Celtics na maging unang team na umahon mula 0-3 hole para ipanalo ang series.

Nasa exit door ang isang paa, maagang nag-init si Jayson Tatum para isalba ang season ng home team. Sa 35-20 first quarter, nagliyab ng 12 points mula 5 of 8 shooting at zero turnovers bago tumapos ng 21 points.

Nakaipon na si Tatum ng 2,182 points sa playoffs, pinakamarami ng isang player sa first 6 seasons sa NBA. Pinakain niya ng alikabok ang mga Hall of Famer na nauna sa kanya.

May 24 points mula anim na 3s si Derrick White, 23 points at 5 steals kay Marcus Smart. May 21 markers din si Jaylen Brown.

Nalimitahan sa 14 points ang kamador ng Heat na si Jimmy Butler – lowest-scoring game niya sa playoffs. Nang lumamang ang Celtics 96-72 sa bukana ng fourth, nilabas ni coach Erik Spoelstra si Butler at hindi na ibinalik – malamang para makapag-recharge bago ang Game 6 sa Miami sa Linggo (araw sa Manila).

“We just have to close it out at home,” pakonsuwelo ni Butler.

Pinag-start ng Heat sa point si Kyle Lowry pero hindi rin nakatulong. Ipinalit si Lowry kay Gabe Vincent (sprained left ankle).

“One game doesn’t lead to the next game,” salo ni coach Spo. “It just doesn’t matter. … We’ll play much better on (Game 6).” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on