‘Di akalin ni Guido Van Der Valk na ang magkakabahid na chip shot ay magiging malutong na birdie sa tapos niya, sinalba ang 75 at inabot si Joenard Rates sa liderato makaraan ang three rounds ng mental play sa ICTSI Villamor Philippine Masters Biyernes ng hapon sa Villamor Golf Club sa Pasay.
Tumungo, binaba ang dalawang braso sa kanyang tuhod sa pagkabigo sa pagtadtad na lampasan ang butas na par-5 No. 18, pero bumalik ang Manila-based Dutchman sa clutch 10-footer para sa birdie upang tumabla sa taas sa pagsablay ni Rates sa asintang par sa malapit na distansya para sa 77 at double bogey sa pang-17 butas.
Sa araw na nahirapan ang punong kontender sa hirap sa pin placement at nakakalitong kapatagan para tumapos na matatas ang iskor, sinamahan ni Van Der Valk si Rates sa 212, at dinagdag ni Marvin Dumandan ang sarili sa pagkasa pa rin sa titulo sa pinigang 73 at sosyohan si Jhonnel Ababa (74) sa tersera sa 214.
Tinipa naman ni Fidel Concepcion ang isa sa tatlong magarang iskor na 70 para sumampa sa pagtabla sa panlima sa 216 kasama sina Gerald Rosales at Reymon Jaraula na pinantayan ang par 72, at si Keanu Jahns na may solidong frontside 33 gaya ni Rates pero nanlamig sa backside sa 45 pa-78.
Ang 72-hole, 4-day, P2.5M golfest na binuo ng International Containter Terminal Services, Inc. ay inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. Ito ang Leg 5 ng 15th Philippine Golf Tour 2023.
“I struggled with the speed of the greens today, I don’t know why,” anang Dutch,na bumwelta mula sa sablay sa cut sa Lusita at palaban pa rin sa korona sa parehas na torneo na kinatalo niya kay Jerson Balasabas noong 2018. “But definitely tomorrow (ngayon), I have the chance to win because I wasted too many shots (kahapon).” (Ramil Cruz)