Sampung araw na lamang ang hihintayin at ilalantad na ang mga opisyal ng Philippine National Police na umano’y gumawa ng iregularidad sa pagkakasamsam ng P6.7 bilyong halaga ng shabu noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at muli niyang iginiit na ang video ay “speaks for itself” patunay sa nangyari sa drug operation at ang pagkakaaresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.
“In ten days malalaman niyo kung ilang pulis and kasama sa fi-file-an natin ng kaso,” ayon kay Abalos, na siya ring chairperson ng National Police Commission sa media briefing nitong Huwebes.
Matatandaang Oktubre 2022 nang maaresto si Mayo at nakumpiskahan ng 990 kilo ng hinihinalang shabu sa serye ng anti-drug operations sa Maynila. (Dolly Cabreza)