WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mister ng ex tinumba sa simbahan

Selos ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril sa isang lalaki sa labas ng simbahan sa Banawa, Cebu City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Abiog, 35, na nagtamo ng bala sa puwitan at ginagamot sa isang ospital.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa sa agarang pagdakip sa suspek na si Eugene Chan Lim, ng Guadalupe, Cebu City.

Sa ulat ni Police Chief Master Sgt. Melvin Jimenez, ng Guadalupe Police Station, naganap ang insidente pasado alas-siyete ng umaga sa may Alliance of Two Hearts Church sa Banawa, Cebu City.

Nasa labas ng simbahan ang biktima para sa thanksgiving ceremony ng isa nitong anak nang barilin ng suspek saka tumakas.

Ayon sa pulisya, ang asawa ni Gilbert na si Irish Abiog ay dating kinakasama ni Lim at may dalawa silang anak. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on