Sa post ng Viva Artist Agency, ang caption ay “LOOK: Our #AshLloyd hearts @justsarahgph and John Lloyd Cruz in a new movie together? YES!!! #SOON.”
Sa post naman ni Sarah, wala siyang isinulat na caption at sa halip, emojis ng dalawang camera at clock ang inilagay.
Wala pa mang detalye sa pelikulang gagawin nina Sarah at John Lloyd, excited na ang lahat at ang iba, nagkakayayaan nang sabay manood kapag ipinalabas na ang reunion movie nila. Nagkakagulo na ang mga fan.
Four movies ang unang nagawa nina John Lloyd at Sarah, ang A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), It Takes a Man and a Woman (2013) na trilogy sa direction ni Cathy Garcia-Sampana at ang Finally Found Someone (2017) sa diection ni Theodore Boborol.
Sa movie na dinerehe ni Direk Cathy, nakilalala sina John Lloyd at Sarah sa mga pangalan nilang Miggy at Laida. Ang ‘Finally Found Someone’ naman ang non-sequel film na pinagtambalan nina John Lloyd at Sarah at ngayon, magbabalik-pelikula na sila.
Ilan sa comment ng mga fan ay “juskolord aatakihin ako!!!,” “OMG! Can’t wait,”
“I miss you both,” “Omg! My Miggy and Laida heart,” “Iba ang kilig ko sa dalawang ito,” “Bawi bawi yung ipinahinga,” at “Yaaaaaas! POWEEEEER HUG!”
See related stories:
Sarah ‘di kinagat ilusyon ni Georcelle na magdirek
Sarah gusto pa rin makasama G-Force
Sarah, Georcelle may ‘tampuhan’