Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na may pondo na para sa unpaid claims ng 12,000 overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.
Nasa Saudi Arabia ngayon si Ople at ang ilan pang opisyal ng DMW at nakikipagpulong sa kanilang mga counterpart sa nasabing bansa.
Sinabi ni Ople na nag-usap na sila ng Ministry for Human Resource and Social Development ng Saudi Arabia at kinumpirmang may pondo na sa Ministry of Finance.
Mayroon na rin umanong go signal ng gobyerno ng Saudi Arabia para mabayaran hindi lamang ang unpaid claims ng nasabing bilang ng mga OFW kundi sa iba pang Pilipino doon.
“Doon sa mga naghihintay po na maayos itong claims, malinaw po at damang-dama namin `yung commitment ng Kingdom of Saudi Arabia, significant progress na po ang nakamit natin,” wika ni Ople sa virtual press briefing nitong Biyernes, Mayo 26. (Betchai Julian)