WebClick Tracer

SPORTS

Terrencce Romeo, SMB buhos-galit sa NorthPort

Laro ngayon (Caloocan Sports Complex)

5 pm – SMB vs NorthPort

Pareho ang istorya ng San Miguel Beer at NorthPort sa unang salang sa Philippine Basketball Association (PBA) On Tour – kinapos ang comeback.

Unahan sa balikwas ang Beermen at Batang Pier sa lone game mamayang alas-5:00 ng hapon sa Caloocan Sports Complex.

Sumungaw ang angas ng SMB nang burahin ang 26-point lead ng Phoenix Super LPG, hinawakan pa ang trangko bago binawi ng Fuel Masters ang 106-101 panalo.

Wala pa sa lineup ni coach Jorge Gallent sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Ross, Marcio Lassiter, Vic Manuel at Simon Enciso.

Ang X-factor ay si Terrence Romeo, sa unang full game sapul noong nakaraang taon ay humarabas ng game-high 27 points. Rebelasyon din sina Rob Herndon (21 markers, 11 boards) at Rodney Brondial (12/10).

Sa pangunguna ng 20 points ni veteran pistolero Jeff Chan, hinabol ng Batang Pier ang 13-point deficit bago tumukod sa Meralco 97-89.

Hinahanap ang tambalan na pupuno sa iniwang scoring load ni Robert Bolick na nasa Japan B.League na, bukod kay Chan ay susubukan muli ni coach Bonnie Tan sina Arwind Santos, JM Calma, Paul Zamar. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on