WebClick Tracer

METRO

War freak na Norwegian swak sa kulungan

SWAK sa kulungan ang isang lasing na Norwegian national matapos magwala at pagmumurahin ang mga barangay official sa Barangay Calitlitan, Umingan, Pangasinan, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Umingan Police Station (UPS), ang Norwegian ay si Jan Kyrre Vaarem, 66.

Sa report ng UPS, nangyari ang insidente alas-6:22 ng umaga sa harap ng bahay ng suspek.

Sa testimonya nina Barangay Calitlitan chairman Virgilio G. Bumatay, 56, at kagawad Juanito S. Cabornay, 56, may nag-report sa kanila na nasa impluwensya ng alak at nagwawala ang suspek.

Nagresponde sina Bumatay at Cabornay upang awatin si Vaarem, ngunit pinagmumura ang mga barangay official at akmang susugurin kaya inaresto at binitbit sa UPS. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on