WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

4 bagets sumapi sa Daulah Islamiyah, nakalawit

Apat na binatilyo na hinihinalang miyembro ng militanteng grupong Daulah Islamiyah (DI) ang dinakip ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marogong, Lanao del Sur, nitong Sabado.

Kinilala ni Maj. Andrew Linao, hepe ng Western Mindanao Command’s (WesMinCom) public information office, ang mga naaresto na sina Abu Rasas, 18; isang Saidi, 18; at dalawang nasa edad 16 at 14.

Ayon sa ulat, isang grupo ng mga armadong indibidwal ang binabantayan ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Pabrika noong Huwebes, Mayo 25.

Nitong Sabado ay namataan ang mga target na bagets pero nang makita ng mga ito ang nakalalat na mga sundalo mula sa Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula-Lanao) sa pamumuno ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete at MILF sa pangunguna ni Esmail Coasin alias Kumander Delta ay nagtakbuhan ang mga binatilyo sa iba’t ibang direksyon na agad din namang nakorner.

Nakumpiska mula sa mga nadakip ang tig-isang M14 rifle, M16A1 rifle, R4 rifle, M203 grenade launcher, 7.62mm Springfield rifle, limang improvised explosive device (IED) at iba’t ibang mga bala at magazine. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on