WebClick Tracer

NEWS

473-ektaryang pabrika ng asin sa Bolinao kasado na

INANUNSYO kahapon ng Pangasinan provincial government na sisimulan na nila ang paggawa ng asin sa 473-hectare farm sa Barangay Zaragoza, Bolinao, Pangasinan sa darating na October.

“The salt farm, which was shut down in February 2021, used to be the country’s largest salt producer, contributing up to 25,000 metric tons (MT) a year to the nation’s total salt production,” pahayag ni Pangasinan government information officer Dhobile de Guzman.

Sinabi naman ni assistant provincial agriculturist Nestor Batalla, na sa July, ang unang aktibidad ay magsisimula sa nasabing farm upang umarangkada na ang salt harvesting sa October.

Noong December, pinirmahan ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III ang memorandum of agreement kasama ang Department of Environment and Natural Resources para sa “interim management” hinggil sa farm para sa salt production at iba pang mga activity gaya ng bangus production.

Ang Pangasinan, na ang pangalan ay nagmula sa “asin”, ay probinsya ng pinakamalaking producer ng pampalasa (condiment) sa bansa. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on