Sobrang thankful and flattered ni Beauty Gonzalez na personal siyang pinili ni Congresswoman Lani Mercado para maging leading lady ng mister nitong si Sen. Bong Revilla sa TV version ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”
Si Lani ang original leading lady ni Bong sa movie version 1 and 2 kaya naman kahit paano ay may right din siya na mag-suggest kung sino ang puwedeng maging “siya” sa remake.
Sey ni Beauty sa ginanap na mediacon last Friday, “I’m very flattered, all the kind words na sinabi (ni Lani), and I’m a big admirer of Ms. Lani.”
Bilib daw siya sa ginawang marka ni Lani in showbiz and politics at sana raw ay magaya niya rin ito someday.
“Her life decisions, sa career and now she’s serving the people of the Philippines which is such an honor, and maybe, someday, I could be like her,” aniya.
Kaya naman talaga raw pagbubutihin niya ang pagganap bilang Gloria dahil ayaw naman daw niyang mapahiya kay Lani.
“I hope I can portray Gloria as better as her also. Siyempre, ayoko namang mapahiya siya and you know, I’m very excited kasi ibang Gloria ‘to, Bisaya na Gloria, so iba namang timpla ngayon,” aniya.
Aware din daw si Beauty na may planong i-guest si Lani sa serye kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ang kanilang face-off.
“Yes, ready, why not? I’m very excited. That would be very interesting,” aniya sabay-biro kay Sen. Bong, “good luck sa ‘yo, Sen!”
Magsisimula nang mapanood ang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ on June 4 sa GMA-7. Kasama rin dito sina Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nino Muhlach, Jeric Raval, ER Ejercito at marami pang iba. (Vinia Vivar)