WebClick Tracer

METRO

Bebot nangupit sa tindahan kalaboso  

BINITBIT sa pulisya ang isang 28-anyos na babae matapos kupitin at itago sa kanyang beywang ang tinatayang P1,550 na bayad sa biniling dalawang rim na sigarilyo ng isang customer sa Silang, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Cherry Nambio y Lopez, ng Brgy Poblacion 3, Silang, Cavite matapos ireklamo ng isang Archie Clarence Balintag Espinoza, 37, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, isang customer ang bumili sa kanilang tindahan sa Cellbert Building sa E. Gonzales St., Brgy Poblacion 4, Silang, Cavite alas-7:36 kamakalawa ng umaga ng dalawang rim na sigarilyo na Camel at Marlboro at nagbayad ng P2,620 sa suspek na kanilang empleyado.

Subalit isang rim na sigarilyo lang ang ipina-zerox ng suspek na katibayan na binili ng customer at itinago nito sa kanyang beywang ang P1,550.

Gayunman nang panoorin sa Closed Circuit television (CCTV), lumalabas na 2 rim ang binili ng customer.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on